BALIK ‘PINAS | Bagong batch ng mga OFW galing Kuwait, nakauwi na ng bansa

Manila, Philippines – Nakauwi na sa bansa kagabi ang nasa 43 OFW galing Kuwait.

Ito’y matapos mag-avail ng amnesty program ng Kuwaiti Government.

Sinalubong ng mga opisyal ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang bagong batch na mga OFW.


Binigyan ang mga ito ng tulong pinansyal at livelihood program ng OWWA regional offices.

Aabot na sa higit 2,500 OFW ang nakauwi na sa bansa mula noong nakaraang buwan.

Nakatakdang umuwi sa pilipinas ang higit 1,000 pang OFW mula Kuwait sa mga susunod na araw.

Magtatagal ang amnesty program hanggang Abril 22.

Facebook Comments