Darating na sa bansa bukas, December 11 ang makasaysayang Balangiga bells.
Ito ay matapos kunin ng mga sundalong Amerikano ang mga kampana sa Balangiga, Samar noong 1901 bilang war trophy.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, personal na sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng tatlong kampana.
Ang Balangiga bells ay isinakay sa isang U.S. Air force plane at inaasahang lalapag sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Pagkatapos nito ay ililipad ang mga kampana pauwi sa Eastern Samar gamit ang Philippine Air force plane sa December 15 kasabay ng pasisimula ng Misa de Gallo o Simbang Gabi.
Naniniwala si Lorenzana na ang pagsasauli ng mga kampana ay hudyat ng pagwawakas ng madilim na bahagi ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.