BALIK PINAS | Balangiga bells, maibabalik na sa bansa ngayong araw

Matapos ang 117 taon, darating na sa bansa ngayong araw ang makasaysayang Balangiga bells.

Gaganapin ang formal handover ceremony mamayang ala-1:30 ng hapon sa Philippine Airforce grandstand sa Villamor Airbase, Pasay City.

Ayon kay U.S. Embassy press Attache’ Molly Koscina – ang pagsasauli ng mga kampana ay mahalaga sa bawat Pilipino at Amerikano.


Aniya, oportunidad ito para isara ang madilim na kabanata at umusad tungo sa kinabukasan ng magandang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sinabi ni Koscina – sagot ng U.S. State department lahat ng gastusin sa pagbabalik ng mga kampana sa Pilipinas.

Bukod sa mga kampana, kasamang darating si U.S. Defense Assistant Secretary for South and Southeast Asia Joseph Felter.

Sina U.S. Ambassador to Manila Sung Kim, U.S. Indo-Pacific Command Chief Admiral Philip Davidson at Felter ang mangunguna sa delegasyon ng Amerika.

Facebook Comments