Manila, Philippines – Nakabalik na sa bansa ang ilang Filipino seafarers na-na stranded sa India nitong Hunyo.
Matatandaang na-stranded ang 21 tripulante sa loob ng 4 na buwan sa New Delhi India matapos abandonahin ng may-ari ang kanilang pinagtatrabahuhang barko.
15 mula sa 21 Filipino seafarers ang nakauwi na ng bansa habang ang iba ay makakabalik na ng bansa, oras na mabigyan ang mga ito ng exit clearance.
Ayon kay Ambassador to India Ma. Teresita Daza, nakikipag-ugnayan ang konsulada sa Indian Port Authorities at sa Admiral Shipping Agency upang maibigay ang sweldo ng mga tripulante.
Bibigyan din ng free legal assistance ang mga ito. Bago umuwi ng bansa, napagkalooban din ang mga manlalayag ng cash assistance.
Facebook Comments