BALIK PINAS | Gold medalist na si Hidilyn Diaz pauwi na ng bansa

Darating sa bansa ngayong araw ang Filipino weightlifter na si Hidilyn Diaz.

Si Diaz ang unang nakasungkit ng gintong medalya sa 2018 Asian Games na ginaganap sa Jakarta, Indonesia.

Sa impormasyon mula sa Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division si Hidilyn ay lalapag sa NAIA Terminal 2 lulan ng Philippine Airlines flight PR540 6:25 ng gabi


Ang 27-anyos na Zamboanggeña ay tatanggap P6 milyon insentibo para sa nasungkit na gintong medalya.

P2 milyon dito ang galing sa Philippine Olympic Committee, P2 milyon naman ang galing sa Philippine Sports Commission alinsunod sa Republic Act 10699, P1 milyon galing sa Siklab Pilipinas Sports Foundation at may P1 milyon din galing kay Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hiong Wee.

Facebook Comments