BALIK-PINAS | Halos 1,000 undocumented OFWs, nakabalik na ng bansa

Aabot sa 112 repatriates mula Dubai ang uuwi sa bansa ngayong araw.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) lalapag sa NAIA Terminal 2 ang 112 undocumented OFWs pasado alas otso mamayang umaga sakay ng Philippine Airlines flight PR 659.

Sa kabuuan nasa 736 na mga OFWs ang nakapag-avail ng amnesty program na alok ng United Arab Emirates Government.


Sinabi naman ni Consul General Paul Raymond Cortez na ito na ang ikalimang batch ng mga OFW na sumailalim sa amnestiya.

Paliwanag nito ang Office of Migrant Workers Affairs ang umako sa exit fines at iba pang penalties, airline tickets pabalik ng Manila ng mga undocumented OFWs.

Bibigyan rin ng P5,000 na financial assistance ang mga magsisipag-uwiang OFWs.

Sa October 31 itinakda ng UAE government ang pagtatapos ng kanilang amnesty program.

Sa oras na ito ay matapos uumpisahan na ang crackdown kung saan maaaring pagmultahin at makulong ang mga undocumented workers.

Facebook Comments