Darating sa bansa ngayong umaga ang huling batch ng mga undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) galing ng United Arab Emirates.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang 97 repatriates mula Dubai ay sasalubungin ng Office of Migrant Workers Affairs.
Sinalo na rin ng DFA ang airline tickets ng mga OFWs maging ang kanilang fines at penalties makabalik lamang ng Pilipinas.
Ang 97 undocumented OFWs ay nag-avail ng amnesty program ng UAE.
Pagkarating nila sa bansa bibigyan sila ng P5,000 financial assistance.
Samantala, patuloy pa ring hinihikayat ni Consul General Paul Raymond Cortez ang mga undocumented OFWs sa gitnang silangan na mag-avail at magpasailalim sa amnesty program dahil kapag ito ay nagtapos na sisimulan na ang crackdown sa mga undocumented workers kung saan maaari silang kasuhan at makulong.