BALIK PINAS | Labi ng estudyanteng Pilipinong nawawala at natagpuang patay sa Ireland, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang labi ng 24-anyos na estudyanteng Pilipino na natagpuang patay ilang araw matapos mapabalitang nawawala sa Ireland.

Nakatakda iuwi ang katawan ni Jastine Valdez sa Nueva Vizcaya para muling masilayan ng mga kapamilya at kaibigan ang yumaong dalaga.

Matatandaang natagpuan ang katawan ni Valdez malapit sa isang golf course sa pucks castle lane sa Dublin.


Huli siyang nakitang buhay na kinakaladkad papasok ng isang sasakyan sa Enniskerry, County Wicklow.

Natukoy at napatay ng mga otoridad ang suspek sa pagpaslang kay Valdez na kinilala si Mark Hennessy, 40-anyos.

Nabatid na tatlong taon nang namamalagi sa Ireland si Valdez kasama ang kaniyang mga magulang na kapwa Irish citizens.

Facebook Comments