BALIK-PINAS | Labi ng OFW na pinatay sa South Korea noong 2016, naiuwi na sa Iloilo

Naiuwi na sa Iloilo ang labi ng OFW na pinatay sa South Korea noong 2016.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang labi ni Angelo Claveria ay natanggap na ng kanyang pamilya sa kanilang hometown sa bayan ng Cabatuan.

Lumalabas na ang mga buto ni Claveria ay nadiskubre sa loob ng isang septic tank ng isang paint factory sa Hwaseong, Gyeonggi Province malapit lang sa Seoul nitong Abril.


Positibong kinilala ang labi ni Claveria matapos isagawa ang DNA testing.

Batay sa imbestigasyon ng South Korea, pinaniniwalaang pinatay si Claveria ng kapwa Pilipino na tinutugis na ng mga awtoridad.

Facebook Comments