Manila, Philippines – Umabot na sa 4,515 ang bilang ng undocumented Filipinos ang nakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay mula ng magsimula ang repatriation program noong February 11.
Sinabi ni Acting Assistant Secretary Elmer Cato ng DFA Office of Public Diplomacy 150 na mga undocumented Overseas Filipino Workers (OFW) ang dumating sa bansa kaninang 6:15 ng umaga.
Ang mga ito ay lulan ng Qatar Airways Flight 934 mula Doha.
Sa susunod na mga araw asahan pa ayon kay Cato ang pagdating ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nag avail ng amnesty program.
Pinagkalooban ang mga umuwing OFWs ng limang libong pisong paunang cash assistance.
Ang mga returning OFWs ay maaaring maging benepisyaryo ng “Balik Pinas, Balik hanapbuhay Program,” ng pamahalaan na nagbibigay-daan sa kanila upang magkaroon ng start-up capital para sa isang micro livelihood project.