BALIK PINAS | Mahigit sa apat na libong OFWs na sumailalim sa amnesty program ng Kuwaiti Government nakauwi na ng Pilipinas

Manila, Philippines – Umabot na sa 4,200 ang bilang ng undocumented Filipinos ang nakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay mula ng magsimula ang repatriation program noong February 11.

Sinabi ni Acting Assistant Secretary Elmer Cato ng DFA Office of Public Diplomacy sa susunod na mga araw apat na raan pang Overseas Filipino Workers (OFW) na nag avail ng amnesty program sa Kuwait ang inaasahang darating sa bansa.

Una rito, 190 undocumented Filipino workers kahapon kabilang ang walong menor de edad, ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 mula Kuwait, sakay ng Qatar Airways Flight QR934.


Pagkakalooban din ang mga umuwing OFWs ng limang libong pisong paunang cash assistance.

Ang mga returning OFWs ay maaaring maging benepisyaryo ng “Balik Pinas, Balik hanapbuhay Program,” ng pamahalaan na nagbibigay-daan sa kanila upang magkaroon ng start-up capital para sa isang micro livelihood project.

Facebook Comments