Inihahanda na ng Estados Unidos para dalhin pabalik ng Pilipinas ang makasaysayang Balangiga Bells.
Sa isang larawan na inilabas na US Embassy, ang Balangiga Bells ay maingat na inilagay sa isang kahon na kahoy ng isang forwarding company.
Ito ay kuha pa noong Nobyembre a-kinse.
Ayon sa US Embassy, noong Disyembre a-kwatro ang tatlong Balangiga Bell ay nasa parte na ng Guam at inaasahang darating sa Pilipinas sa susunod na linggo.
Ang mga kampana ay kinuha ng mga sundalong Amerikano sa simbahan sa Balangiga, Eastern Samar noong 1901 matapos ang giyera.
Pero noong huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, nag-demand ang Pangulo sa Amerika na ibalik ang mga nasabing kampana.
Facebook Comments