BALIK PINAS | Mga OFW mula sa Qatar, sinalubong ni P-Duterte

41

Manila, Philippines – Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga balik-bayan na mga OFW mula Qatar.

Ayon kay Pangulong Duterte – pinasasalamatan nito ang OFWs dahil sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya.

Nangako ang pangulo ng trabaho at negosyo para sa mga nais manatili sa bansa.

Pinagkalooban din ng pangulo ang mga ito ng OFW ID card mula sa Dept. of Labor and Employment (DOLE) na layong mapadali ang kanilang transaksyon.

Sa ilalim ng iDOLE card, pinag-isa na ang mga impormasyon mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Dept. of Foreign Affairs (DFA) at mga ahensyang kalimitang lapitan ng mga OFW.

Facebook Comments