Nakatakda nang bumalik sa bansa ang mga miyembro ng Philippine Navy na nakiisa sa kauna-unahang maritime exercise sa pagitan ng China at ASEAN navies sa Zhanjiang China nitong October 21 hanggang October 28.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata, ang mga sundalong pinadala sa China para sa mahigit isang linggong maritime exercise ay tinawag na Naval Task Group 88 na sakay ng BRP Dagupan City o LC551.
Darating aniya ang mga ito bukas ng umaga sa Commodore Divino Pier, Naval Station Jose Andrada, Roxas Boulevard, Manila.
Ayon kay Zata ang ASEAN-China Maritime Exercise o ACMEX 2018 na hosted ng Royal Singapore Navy at ng China’s People Liberation Army, Navy ay may layuning i-promote ang regional cooperation sa pagitan ng ASEAN Member States (AMS) navies at mga sundalo ng China.
Bibigyan naman ng pamunuan ng Philippine Navy ng arrival ceremony ang mga miyembro ng Philippine Navy na nakiisa sa ACMEX 2018.