BALIK-PINAS | OFWs galing Kuwait balik bansa ngayong umaga

Manila, Philippines – Darating sa bansa ngayong araw ang panibagong batch ng mga OFWs galing ng Kuwait.

Ito ay sa kabila ng pagtatapos ng amnesty program ng Kuwaiti Government dahil patuloy parin ang ginagawang repatriation sa mga undocumented OFWs.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority Media Affairs Division lalapag ang 30 OFWs lulan ng Gulf Air flight GF 154 sa NAIA Terminal 1 ngayong alas onse y medya ng umaga.


Bukas naman, 24 na OFWs mula Polo-ward ang nakatakdang magbalik bansa.

Sasalubungin ang mga magsisiuwiang OFWs ng OWWA repatriation team at pagkakalooban din ang mga ito ng P5,000 financial assistance at P20,000 bilang livelihood assistance

Ayon sa DFA hindi lang sa Kuwait ngpapatupad ng amnesty program maging sa ibang panig ng Middle East para sa mga undocumented migrant workers.

Facebook Comments