Manila, Philippines – Nakabalik na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang dalawang araw nitong pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations-India Commemorative Summit at India’s Republic Day sa New Delhi.
Pasado alas-dose ng umaga ng Sabado ng lumapag sa Davao International Airport ang sinakyang eroplano ng pangulo kung saan sinalubong ito ng mga matataas na opisyal ng PNP, AFP at mga gabinete nito.
Ibinida ng Pangulong Duterte ang mga nakuha nitong investment pledges na nasa mahigit isang bilyong dolyar na makakapagbigay ng libo-libong trabaho sa bansa.
Inamin din ng pangulo na habang nasa sa India, hindi daw siya nabahala sa banta ng ISIS dahil sanay na daw siya sa mga ganitong paraan ng pananakot.
Sa huli, sinabi ng pangulo na hinimok niya ang mga negosyante sa India na mamumuhunan sa bansa at pro-protekahan niya ang mga ito pero huwag lang madadawit sa korupsiyon.