BALIK PINAS | Panibagong batch ng mga OFWs darating sa bansa mamaya

Manila, Philippines – Dadating mamayang gabi ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) galing ng Kuwait.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division alas 10:50 ng gabi mamaya lalapag ang 113 OFWs lulan ng Philippine Airline flight PR 669 sa NAIA Terminal 1.

Ang mga ito ay sumailalim sa Amnesty program ng Kuwaiti Government na magpapaso bukas, April 22


Samantala, sa Lunes inaasahan namang dadating ang nasa 200 OFWs mula din Kuwait sakay ng Qatar Airways flight QR934 sa Naia Terminal 1.

Sasalubungin ang mga magsisiuwiang OFWs ng OWWA repatriation team at pagkakalooban din ang mga ito ng P5,000 financial assistance at P20,000 bilang livelihood assistance.

Facebook Comments