BALIK PINAS | Panibagong batch ng mga OFWs galing Middle East, darating sa bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Darating sa bansa ngayong araw ang panibagong batch ng mga OFWs galing ng Middle East.

Sa abiso ng MIA International Airport Authority Media Affairs Division lalapag ang 57 OFWs lulan ng Philippine Airlines flight PR657 sa NAIA Terminal 1 ngayong alas nuebe ng umaga.

Sasalubungin ang mga magsisi-uwiang OFWs ng OWWA repatriation team at pagkakalooban din ang mga ito ng ₱5,000 financial assistance at ₱20,000 bilang livelihood assistance.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi lang sa Kuwait nagpapatupad ng amnesty program maging sa ibang panig ng Middle East para sa mga undocumented migrant workers.

Facebook Comments