BALIK PINAS | Panibagong batch ng mga repatriates mula Middle East darating sa bansa

Sasalubungin ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at OWWA team ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa gitnang silangan.

Ayon sa DFA ang 79 na repatriates mula Lebanon at Kuwait ang inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong araw.

Una muna dito ang nasa 32 OFWs mula Beirut, Lebanon na darating ngayong alas 10:10 ng umaga at susundan naman ng 47 undocumented OFWs mula Kuwait at inaasahang darating ng alas 4:10 mamayang hapon.


Ang mga magsisipag-uwiang OFW ay pagkakalooban ng P5,000 financial assistance.

Facebook Comments