Matapos ma-stranded sa loob ng 4 na buwan ang 21 Filipino seafarers sa New Delhi India.
Makakauwi na ang mga ito mamaya sa Pilipinas.
Sa abiso ng Ninoy Aquino International Airport Authority (NAIA) Media Affairs Division mamayang ala una y medya ng hapon ang dating ng mga tripulante.
Lulan ang mga ito ng Philippine Airlines flight PR 301 at lalapag sa Terminal 2.
Pagkadating sa bansa, sasalubungin ang mga ito ng mga kinatawan ng DFA.
Matatandaang ang mga tripulante ay iniwan at stranded sa loob ng MV Evangelia M, isang Liberian-flagged bulk carrier matapos iwan ng mga may-aring Greek noong Hunyo.
Una na ring nabigyan ang mga ito ng kabuuang P1 milyong tulong pinansyal matapos mapaulat na hindi sila pinagkalooban ng sweldo ng kanilang employer.
Facebook Comments