BALIK-PINAS | Tatlong Filipino diplomats, inaasahang darating ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahan ang pagdating ngayong araw sa bansa ng tatlong diplomats na nagkubli sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait matapos patawan ng arrest warrants dahil sa pagsali sa kontrobersyal na rescue mission sa mga distressed OFW.

Kinilala ang mga diplomats na sina Raul Dado, Francis Baquiran at Mar Hasssan.

Si Special Envoy Abdulla Mama-o ang hahatid sa mga diplomat pabalik ng Pilipinas.


Hindi pa malinaw kung binawi ng Kuwait government ang mga reklamong kidnapping laban sa tatlo.

Una rito, pinalaya ng Gulf State ang mga Filipino driver na kasama rin sa rescue.

Facebook Comments