BALIK PINAS | Undocumented OFWs dumating sa bansa

48

Isa na naman batch ng repatriated OFWs mula Dammam, Saudi Arabia ang dumating sa bansa ngayon umaga.

Sa abiso ng MIAA, mahigit isang daan OFWs ang dumating kaninang 9:15 ng umaga sakay ng Philippine Airlines flight PR 683 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Sinalubong ng mga kinatawan ng DFA, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Labor Department ang mga OFWs at inalalayan sa immigration at customs formalities paglapag ng paliparan.

Pinagkalooban din ang mga dumating na OFWs ng limang libong pisong paunang cash assistance.

Ang mga returning OFWs ay maaaring maging beneficiaries ng “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program” ng pamahalaan na nagbibigay-daan sa kanila upang magkaroon ng start-up capital para sa isang micro livelihood project.

Facebook Comments