Balik-Probinsya program, ipinagtanggol ng isang mambabatas

Dinepensahan ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang ‘Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa’ (BP2) program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kay Salceda, mali ang naging pag-intindi ng ilan sa programa o sa Executive Order No. 114 na layong paunlarin ang iba pang parte ng bansa at magkaroon ng pantay na mga oportunidad ang mga probinsya tulad sa mga lungsod.

Inaakala kasi ng mga kritiko na pagtatapon ng mga mahihirap sa mga probinsya ang programa.


Aniya, ang Balik-Probinsya program ay bahagi ng Dutertenomics na target ang komportableng buhay para sa lahat ng mga Pilipino.

Iginiit pa ng kongresista na ang kawalan ng oportunidad sa ibang lugar, hindi balanseng pag-unlad at hindi pantay na distribusyon ng yaman ang pangunahing problema sa bansa.

Dagdag pa ng mambabatas, ito ang dahilan kaya isinulong nila sa Kongreso ang kinakailangang mga reporma gaya ng CITIRA, at sinuportahan ang ‘Build, Build, Build’ program at mahahalagang reporma sa agrikultura.

Facebook Comments