Naniniwala si Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos, na magsisilbing “New Normal” ang Balik Probinsya Program na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Executive Order no. 114.
Ayon kay Delos Santos, magiging daan ito para sa pag-unlad ng mga probinsya, pagpapalakas sa suporta sa pagsasaka, pangingisda at food security.
Magiging paraan din ito para sa pagsasaayos ng imprastraktura at pagpapaigting ng Health Care System sa mga rural areas.
Suportado din ng Kongresista ang programa na pinaniniwalaang magdadala ng employment opportunities sa mga kanayunan at tutugon sa problema ng Metro Manila sa overpopulation.
Facebook Comments