‘Balik-Probinsya Program’ ng Lalawigan ng Isabela, Tuloy Pa rin

Cauayan City, Isabela- Mananatili pa rin ang ‘Balik-Probinsya’ Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga Locally Stranded Individuals para makauwi sa kani-kanilang kinabibilagang LGUs.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, sinabi niya na ang susunduin ay ang mga stranded na estudyante o construction workers na naabutan ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Paglilinaw pa ni Binag, tanging suspendido lang ay ang mga gustong umuwi ng probinsya na may permanenteng tirahan halimbawa sa kalakhang maynila o di kaya ay ang pagbibitiw sa trabaho ng isang indibidwal na dahilan lamang ng kanilang pag-uwi.


Giit pa ng opisyal,patuloy pa rin naman ang kanilang mahigpit na pagpapatupad ng standard protocols sa pagsundo sa mga locally stranded para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Una nang sinuspinde ni Pangulong Duterte ang ‘Balik-Probinsya, Balik Pag-Asa’ Program ng gobyerno.

Facebook Comments