Balik Probinsya Program sinimulan na ng Maguindanao Government, higit 300 stranded nakauwi na!

Nakauwi na ang nasa 322 na mga stranded mula sa ibat ibang probinsya at syudad na mga taga Maguindanao.

Ito ang masayang ipinarating sa DXMY ni PDRRMO Maguindanao Nashrullah “Baby Boy” Imam kasabay ng Balik Probinsya Program

Nagmumula sa Probinsya ng Davao, Saranggani, North Cotabato, Sultan Kudarat at mga syudad ng Davao at Marawi ang mga nakabalik na sa Maguindanao na karamihan ay mga istudyante.


Sinasabing abot langit ang pasasalamat ng mga ito sa naging tulong ng Maguindanao Government sa pangunguna ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ayon pa kay PDRMMO Imam.

Samantala, nakabyahe na rin ang 17 mga istudyante mula Cebu City pabalik ng Maguindanao.

Iginiit naman ni Action Man Imam na sumailalim sa proseso at protocols ng DOH at Provincial Government ang mga bumalik na residente para na rin maisiguro ang usaping pangkalusugan.

Samantala, halos lahat ng mga nakabalik na sa Probinsya ay hindi naman nakitaan ng mga sintomas sa Covid 19 matapos suriin ng IPHO Maguindanao dagdag pa ni Imam.

Kaugnay nito tinayang mahigit isang daang indibidwal pa ang nakatakdang itransport mula sa ibang bahagi ng bansa papauwi ng Maguindanao habang patuloy rin ang pagsisikap ng PDRMMO para sa mga pamilya o indibidwal na nais makapag ugnayan sa kanila lalo na sa balik probinsya program. 09750784440 at 09516881149 ang hotline ng PDRRMO Maguindanao.
PDRRMO Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments