BALIK SA PAGBABANTA? | North Korea, posible pa ring magpalipad ng nuclear ballistic missile pagkatapos ng Winter Olympics

Amerika – Ayaw pa ring pakampante ng Estados Unidos na ititigil na ng North Korea ang pagpapalipad nito ng nuclear ballistic missiles.

Sa kabila ito ng pagsali ng North Korea sa Winter Olympics sa Pyongyang, South Korea.

Ayon kay US Vice President Mike Pence, base sa mga nakuha niyang impormasyon, pinaghahandaan umano ni North Korean leader Kim Jong Un ang mas matinding pagpapalipad ng kanilang ballistic missiles.


Tiniyak naman ni Pence na handa ang US sakaling maging aktibo muli ang North Korea sa pagsasagawa ng nuclear test.

Facebook Comments