BALIK SERBISYO | Hepe ng Mandaluyong police na na-relieve dahil sa shooting incident, balik na sa pwesto

Mandaluyong – Ibinalik na sa pagiging hepe ng Mandaluyong City Police si Senior Supt. Moises Villaceran Jr. Mula pa noong January 26.

Matatandaang ni-relieve si Villaceran ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde matapos ang kontrobersyal na shooting incident sa Mandaluyong City noong Disyembre 2017 kung saan dalawa ang nasawi.

Maliban kay Villaceran, ni-relieve din ang sampung tauhan niya kung saan siyam ang nakasuhan ng dalawang counts ng homicide at dalawang counts din ng frustrated homicide.


Nakapagpiyansa naman ang siyam na pulis para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Ayon kay Villaceran, kaya lang naman siya ni-relieve noon ay bilang bahagi ng nakabinbing imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Facebook Comments