BALIK TRABAHO | Kamara, normal na ulit matapos ang final and executory decision ng SC laban kay dating CJ Sereno

Manila, Philippines – Inaasahan na ni Justice Committee Chairman Reynaldo Umali ang final and executory na desisyon ng Korte Suprema para tuluyang mapatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Umali, ine-expect na niya ito dahil sa naunang panayam sa kanya, kumpyansa siyang hindi babaguhin ng Korte Suprema ang kanilang naunang desisyon sa quo warranto case ni Sereno.

Natutuwa din si Umali dahil balik normal at balik trabaho na sila sa Mababang Kapulungan.


Aniya, nakahinga na rin siya ng maluwag dahil hindi na niya kailangan pang maghanda para sa Senate trial dahil tuluyan na ngang napatalsik si Sereno.

Dagdag pa ni Umali, nagagalak din siya dahil nailayo ang bansa sa divisive issue na ito sakaling natuloy ang impeachment trial laban kay Sereno.

Ngayong pinal na ang desisyon ng Korte Suprema sa pagpapaalis kay Sereno sa SC, pagkakaabalahan na nila sa JBC ang susunod na ipapalit na Chief Justice.

Facebook Comments