Balikatan EDCA sites, binisita ni AFP Chief of Staff Centino

Nag-iikot si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino sa iba’t ibang lugar sa Northern Luzon na pinagdarausan ng Balikatan 38-2023 Joint RP-US military exercise.

Unang binisita ni Centino ang Lal-lo Airfield sa Cagayan na isa sa mga staging area ng Balikatan Field Training Exercises (FTX) sa Northern Luzon.

Binisita rin ng AFP Chief ang Marine Battalion Landing Team-10 (MBLT10) ng Philippine Marine Corps na nagsasanay kasama ang 3rd Littoral Logistics Battalion ng US Marine Corps sa Naval Base Camilo Osias, San Vicente, Sta Ana, Cagayan.


Pinuntahan din ni Gen. Centino ang 5th Infantry Division (5ID), Philippine Army sa Gamu, Isabela, na nagsasanay kasama ang mga tropa ng 25th Infantry Division ng US Army.

Si Gen. Centino ay sinamahan ni Philippine Air Force Chief LtGen. Stephen Parreño, at Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander LtGen. Fernyl Buca.

Ang mga pinuntahang lugar ng mga opisyal ng Sandatahang Lakas ay kabilang sa apat na bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Facebook Comments