Balikatan Exercise 2021, natapos na ngayong araw

Naging matagumpay ang idinaos na RP-US Balikatan Exercise 36-2021 sa kabila nang nararanasang pandemya.

Ito ang inihayag ni US Embassy Charge d’ Affaires John Law sa Closing Ceremony kaninang umaga sa Camp Aguinaldo, na pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sinabi ni Law, ipinakita ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo na napakahusay ng kanilang pagtutulungan sa trabaho sa kabila ng lahat ng hamon at komplikasyon.


Dagdag pa nito, palaging welcome sa US military ang pagkakataon na makapagsanay kasama ang Armed Forces of the Philippines, at masaya ang mga Amerikanong sundalo sa bawat pagkakataon na makapunta sa Pilipinas.

Ayon naman kay Secretary Lorenzana, ang ginawang Balikatan Exercise ay hindi pagsasanay para labanan ang ibang bansa dahil ito ay nakatuon sa pag-tugon sa mga kalamidad na mas mahalaga sa panahong ito.

Facebook Comments