Sinaksihan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino, kasama sina Northern Luzon Commander Lt. Gen. Ernesto Torres Jr. at Balikatan 2022 Philippine Exercise Director Major General Charlton Sean Gaerlan, ang isinagawang Combined Arms live-fire Exercise (CALFEX) kahapon sa Colonel Ernesto Ravina Air Base sa Capas, Tarlac.
Ang CALFEX ang isa sa mga tampok na aktibidad sa ika-37 RP-US joint military exercise Balikatan 2022.
Sumali sa exercise na ito ang Philippine Army 1st Brigade Combat Team gamit ang Armoured Personnel Carriers na may remote control weapons system, at 105MM Howitzers; at Philippine Air Force Super Tucano planes.
Dineploy naman ng US military ang kanilang Infantry Brigade Combat Teams, Field Artillery Battalion na may Howitzers at Mortars, isang Engineering Battalion, at ang High-Mobility Artillery Rocket System ng US Army.
Sinabi ni AFP chief na maliban sa paghasa ng inter-operability ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo, ang pagsasanay ay maganda ring pagkakataon para masubukan ang mga modernong armas na binili ng AFP.