Balikatan exercise 2022, nagtapos na ngayong araw

Pormal nang nagtapos ang Balikatan 2022 ngayong araw.

Isinagawa ang closing ceremony sa Armed Forces of the Philippines (AFP) General Headquarters sa Camp Aguinaldo na pinangunahan nina AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, AFP Balikatan 22 Exercise Director Maj. Gen. Charlton Sean Gaerlan, US exercise Director Representative BGen. Joseph Clearfield at US Embassy Charge d’ affaires Heather Variava.

Ayon kay BGen. Clearfield, naging matagumpay ang Balikatan 2022 dahil naipakita nito ang pagkakaisa ng Pilipinas at Estados.


Nagbunga rin umano ito ng kapaki-pakinabang na resulta dahil sa pagharap ng dalawang bansa sa iba’t ibang hamon.

Sinegundahan naman ni Gaerlan ang pahayag ni Clearfield at sinabing tagumpay ang Balikatan dahil nakamit nito ang layunin ng aktibidad na palakasin ang security cooperation ng Pilipinas at Estados Unidos.

Samantala, pinasalamatan naman ni AFP chief ang lahat ng mga nakiisa sa Balikatan.

Sa kabila kasi ng pandemya ay naisaktuparan pa rin ito at natapos ang lahat ng aktibidad.

Aniya, importante ang Balikatan dahil nakatutulong ito sa mga sundalong Pilipino sa paghasa ng kakayahan gamit ang mga bagong equipmeng ng AFP.

Ang Balikatan 2022 ay ang ika-37 balikatan at pinakamalaking joint military exercise na nilahukan ng ng 3,800 tauhan ng AFP at 5,100 na miyembro ng U.S. military.

Facebook Comments