Cebu, Philippines – Sinimulan na ngayong araw ang Balikatan exercise sa pagitan ng mga sundalo ng Amerika at Armed Forces of the Philippines –central command na nakabase sa Cebu City.
Ngunit nilinaw ni Lt. Colonel Ryan Scott ng US military na ang kanilang team na kinabibilangan ng mga engineer ay tututok sa rehabilitasyon, pagtatayo ng mga istraktura at disaster preparedness training para sa kanilang mga aktibidad.
Samantala, sinabi naman ni Colonel Medel Aguilar ng AFP Centcom na hindi isasama sa Balikatan exercise ang counter terrorism training at tanging ibabahagi ng dalawang grupo sa isat-isa ay ang kakahayan nito sa pagresponde sa panahon ng kalamidad.
DZXL558
Facebook Comments