Manila, Philippines – Pormal ng nagtapos ngayong araw ang Balikatan Exercises 2017 na nagtagal ng dalawang linggo at nagsimula nitong ika-walo ng Mayo.
Sa pagsisimula ng isinasagawang closing ceremony dito sa Camp Aguinaldo isa isang ipinakita ang mga ginawang aktibidad ng mga sundalong amerikano at pilipino sa pamamagitan ng isang video presentation.
Mismong si AFP Chief of Staff ang nagbigay ng signal sa pagtatapos ng Balikatan 2017.
At sa mensahe ni Ano nagpasalamat sya sa Estados Unidos dahil sa pagpapanitili ng magandang samahan ng AFP at US forces.
Ito ay sa pamamagitan ng patuloy na pakikiisa sa Balikatan 2017 kung saan kapwa nagkakaroon ng mas maraming kaalaman ang mga sundalong Amerikano at Pilipino lalo pagdating sa humanitarian and disaster response at counter terrorism.
Pinuri rin ni US Ambassador to the Phil. Sung Kim ang lahat ng mga nakiisa sa Balikatan Exercises 2017 dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng taunang aktibidad na ito.
Pero bago ginawang papuri nagpaabot din ng pagbati si Ambassador Kim kay Gen. Ano dahil sa pagpili dito ni Pangulong Rodrigo Dutere bilang DILG Sec.
Samanfala ginawa ang Balikatan Exericses sa ilang lugar bansa katulad ng Casiguran Aurora, Calayan Cagayan, Fort Magsaysay sa Tarlac at sa Camp Aguinaldo.
DZXL558, Rea Mamogay