Balikbayan boxes, tambak ngayon sa pier ng Maynila

Kinumpirma ng haulers at truckers na tambak ngayon ang mga cargo sa pier ng Maynila kaya posibleng maantala ang pagdating nito sa kaanak ng mga nagpadalang Overseas Filipino Workers (OFW) at Pinoy immigrants sa iba’t ibang bansa

Ayon sa Inland Haulers and Truckers Association (IHTA) at Confederation of Truckers Association (CTA), tatlong cargo ship ang nagdidiskarga ng kanilang mga sakay sa Manila South Harbor kahapon habang anim pa ang nag-aabang at dalawa pang barko ang inaasahang dadaong.

Anila, magiging dagdag-gastos ito sa kanila sa bawat araw na maaantala ang pagdidiskarga ng mga barko ng mga kargamento.


Kaugnay nito, umapela ang mga grupo sa pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para mapabilis ang pagdiskarga sa mga cargo lalo na’t papalapit ang Pasko.

Magsasagawa rin aniya sila ng ‘container registry monitoring system’ para ma-monitor ng publiko ang lokasyon ng kanilang mga cargo.

Facebook Comments