Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang baliktad na watawat ng Pilipinas na naka-display sa bilateral meeting ng Pilipinas at Canada, ay isang “honest mistake” lamang.
Ang baligtad na watawat ng Pilipinas na karaniwang ginagamit kapag ang Pilipinas ay nasa digmaan ay nakita sa likod ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa DFA, ito ay isang pagkakamali na walang kinalaman sa mga opisyal ng protocol ng Pilipinas.
Bukod sa dalawang pinuno ng estado, ilang opisyal at kawani ng Pilipinas ang dumalo rin sa bilateral meeting.
Ito ay nananatiling hindi malinaw kung bakit ang posisyon ng watawat ay hindi naitama bago ang pulong.
Matatandaan na ang Pilipinas at Canada ay una ng nagpulong para sa close bilateral relations dahil halos isang milyong Pilipino ang naninirahan din sa North America, ayon sa datos ng gobyerno ng Canada.
Nauna nang inimbitahan ni Trudeau si Pangulong Marcos na bumisita sa Canada sa susunod na taon para sa ika-75th anibersaryo ng bilateral relations ng Pilipinas at Canada.