Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng BaliPure kaugnay sa kinasasangkutang isyu ng import na si Danijela Dzakovic.
Nitong Sabado, naging viral ang pambabatok ni Dzakovic sa kakamping liberong si Jewelle Bermillo sa laban kontra Creamline Cool Smashers.
Sa lakas ng hampas, napaiyak ang libero at tumilapon sa court ang suot nitong contact lens.
Matapos ang insidente, agad niyakap at humingi ng paumanhin si Dzakovic kay Bermillo.
Paglilinaw ng BaliPure import, nadala siya ng emosyon sa nangyaring miscommunication. Sa loob ng 16 taon paglalaro ng volleyball, ito ang unang beses may ginawa siyang hindi maganda sa kapwa manlalaro.
Pinatawad ni Bermillo ang import at sinabing mananatili ang kanilang pagkakaibigan at mahal nila ang isa’t-isa.
Hiling ni Paolo Turno, team manager ng Water Defenders, pang-unawa at pagpapatawad mula sa mga tagahanga.
Narito ang kabuuang statement ng nasabing koponan:
Samantala, pinalagpas ng Premier Volleyball League (PVL) management ang nakagugulat na pangyayari pero nagbabalang magpapatanaw ng kaukulang parusa sa kung sinuman mangangahas ulitin ito.
Facebook Comments