Balita Patungkol Kay President Elect Rodrigo Duterte – Posibleng Sa Government Network Na Lamang Makukuha

8

MANILA – Nanindigan si President-Elect Rodrigo duterte na hindi na talaga siya tatanggap ng mga interviews sa media hanggang sa matapos ang kaniyang termino.Ito ang desisyon ni duterte bilang pag-iwas sa media dahil aniya, sa tuwing kinakapanayam siya ay lagi na lang siyang may mali.Sa halip ay sa government network na PTV-4 na lamang aniya siya maglalabas ng kaniyang mga pahayag.Pero, nagpaalala ang founder emeritus ng partido ni Duterte sa PDP-Laban na si Dating Senador Nene Pimentel na kailangan pa rin ni Digong na makipag-ugnayan sa media.Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng kampo ni duterte na hindi na muna sila magpapa-unlak ng press conferences para makaiwas sa pagkakamali.

Facebook Comments