Balitang kukunin ng pamahalaan ang mga lupain sa Marawi at hindi na ibabalik sa mga may-ari nito, itinanggi ng pamahalaan

Manila, Philippines – Pinasinugnalingan ng Pamahalaan ang kumakalat na balita sa Marawi City na kukunin na ng Pamahalaan ang mga lupain sa lungsod at hindi na ibabalik ang mga ito sa mga may-ari.

Nagdadalawang isip kasi ang ilang residente ng lungsod na payagan ang Pamahalaan na gibain ang kanilang mga bahay dahil sa balitang kumakalat na kukunin na ng gobyerno ang mga lupang kinatatayuan ng kanilang tahanan.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Taskforce bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo del Rosario na maibabalik sa mga residente ng Marawi na nasa ground zero ang kanilang mga lupain at hindi ito kukunin ng pamahalaan.


Paliwanag ng kalihim, mayroong teknolohiya na magagamit nang sag anon ay kahit wala nang bakatirik na mga bahay ay madedetermina parin ang sukat ng lupa para maibalik sa tunay na may ari ng mga ito.
Sa ngayon naman aniya ay hindi pa umaabot sa kalahati ng mga residente ng Marawi City na nasa ground zero ang nagbibigay ng pahintulot na gibain ang kanilang mga bahay sa harap naman ito ng isinususlong na rehabilitasyon ng Lungsod.

Facebook Comments