Monday, January 26, 2026

Balitang ooperahan ang pangulo dahil diverticulitis, fake news —Palasyo

Mariing itinanggi ng Malacañang ang kumakalat na balita na ooperahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kanyang kondisyon na diverticulitis.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, fake news ang naturang impormasyon, dahil maayos na ang kalagayan ng pangulo at patuloy nitong ginagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang punong ehekutibo.

Dagdag pa ng Malacañang, balik-normal na ang iskedyul ng pangulo ngayong araw sa loob ng Palasyo, kabilang ang pagdalo nito sa pulong ng Economy and Development Council.

Matatandaang isinugod sa ospital ang pangulo noong nakaraang linggo matapos makaranas ng discomfort, kaya’t hindi siya nakadalo sa ilang nakatakdang aktibidad, kabilang ang planong pagbisita sa Ilocos Norte noong Biyernes.

Facebook Comments