BALITANG SHOWBIZ | Sarah Geronimo, nagpaliwang sa ginawa nitong pagde-deactivate; Anne Curtis, hindi daw napre-pressure na magkaroon ng sariling anak

258

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ngayon ang popstar singer na si Sarah Geronimo kung bakit ito nag-deactivate ng kaniyang social media accounts.

Ayon kay Sarah G., kinailangan muna lang daw niyang mag-break sa social media dahil ginagawa niyang paghahanda sa nalalapit na concert sa April 14.

Say pa ni Sarah, feeling refresh daw siya mulia matapos ang ilang araw na hindi pagiging aktibo sa social media kung saan sinabi niya sa kaniyang mga fans na huwag silang mag-alala dahil walang koneksiyon sa lovelife o sa real life ang pagpapahinga niya sa social media.

Samantala, hindi daw napre-pressure ngayon ang TV Host na si Anne Curtis sa hindi nito pagkakaroon ng anak.

Nabatid kasi na naitanong kay Anne kung bakit hindi pa ito nagkaka-baby gayun ang mga friends niya sa It Girls na sina Isabelle Daza, Georgina Wilson at Liz Uy ay may mga anak na.

Ayon kay Anne, hindi naman daw siya nagmamadali na magka-baby pero blessings naman daw maituturing kung sakaling siya ay magbuntis.

Sa ngayon kasi busy si Anne sa kaniyang showbiz career at ilang mga negosyo pero palagi naman daw siyang may time sa mister na si Erwan Heusaff.

Facebook Comments