BALITANG SPORTS | Mga bagong player sa Azkals posibleng dumami

Mula nang ianunsiyo ng team manager Dan Palami ang pagpirma ng kontrata ng sikat na coach na si Sven Goran Eriksson, dumami lalo ang mga nais makapaglaro sa Philippine Azkals.

Ayon kay Palami, maraming mga Fil-Foreign players mula sa ibat-ibang panig ng mundo ang nagpaabot ng kanilang interes na makasama sa koponan na pangungunahan ng dating England manager na si Eriksson.

Si Eriksson ang mangunguna sa pagsabak ng Azkals sa 2018 Suzuki Cup na magsisimula sa Nobyembre a-trese at sa 2019 Asian Cup sa United Arab Emirates sa Enero.


Dahil dito, tiniyak ni Palami na tanging ang pinakamagagaling na player lamang ang puwedeng makapasok sa national team.

Sa ngayon target ng Azkals management na makuha sina Gerrit Holtmann ng FSV Mainz 05, Raphael Obermair, Fil-Swiss Michael Kempter at Jesper Nylhölm na maglaro sa national team.

Facebook Comments