Ballistic Missile Ng North Korea, Nakahandang Pakawalan

16

NORTH KOREA – Anumang oras mula ngayon posibleng magpakawala na ang North Korea ng intercontinental ballistic missile.Ayon sa foreign ministry ng Pyongyang –walang ibang dapat sisihin sa development ng kanilang missile program kundi ang Amerika.Giit ng Norkor – kung hindi sila binabantaan ng Estados Unidos ay hindi nila ide-develop ang kanilang nuclear capable ICBM.Nakahanda namang magpatupad ng karagdagang sanction ang China at South Korea maging ang Amerika laban sa North at kung hindi nito ititigil ang pagpapakawala ng nuclear missile ay mauuwi sa mas matinding tensyon.

Facebook Comments