Manila, Philippines – Dinisarmahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 16 na sundalong sangkot sa misencounter sa Samar.
Ayon kay AFP Chief of Staff, General Carlito Galvez Jr., nasa headquarters na ng 87th infantry battalion sa bayan ng Calbiga ang mga dawit na sundalo.
Isinailalim sa ballistic test ang kanilang firearms tulad ng m4 assault rifles at sniper rifle.
Sa ngayon, sinabi ni Galvez na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon na isinasagawa ng Board of Inquiry.
Facebook Comments