Ballot box, nakitang palutang-lutang sa tubigan sa Maguindanao

Image via Sam Zailon Esmael on Facebook

Nakita ni Moadz Mindao, isang mangingisda, ang ballot box na palutang-lutang sa likod ng munisipyo sa Maguindanao nitong Huwebes.

Ayon sa Facebook post ni Sam Zailon Esmael, nakita ito sa isang nayon sa Sambulawan, Datu Salibo at nang buksan ay makikita pa ang mga boto ng mga tao.

 

 

Ayon kay Alo Mamoribid, treasurer ng munisipyo ng Datu Salibo, ninakaw ito ng hindi kilalang mga indibidwal.


Tinanggi naman ng Commission on Elections ang alegasyon na pandaraya ito ayon sa report ng Rappler.

“Actions are now being taken to set the facts straight and hold to account those who are responsible,” pahayag ng Comelec.

Umani ng sari-saring reaksyon ito sa mga netizen, at sinabing dapat ay responsibilidad ito ng Comelec. Ang iba ay sinabing ‘framed’ lamang ito.

Natalo si Esmael sa 273 na boto habang si Sandigan ay nanalo bilang mayor sa 2,279 na boto.

Facebook Comments