Ballot face na gagamitin sa Overseas Absentee Voting, naisapinal na ng Comelec

Kinumpirma ng Comelec na naisapinal na nito ang magiging ballot face o itsura ng mga balotang ilalabas sa Overseas Absentee Voting (OAV) para sa darating na halalan.

Sa virtual pressconference, sinabi ni Comelec Director Elaiza Sabile David, na i-a-upload sa kanilang official website.

Uunahin muna aniyang ilabas ang mga listahan ng mga pangalan ng mga kandidato sa national level para sa overseas voting.


May haba na 25 pulgada ang isang balota para sa OAV at makikita ang official list of candidates para sa national level at sa partylist groups.

Ang balotang ilalabas para naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay mas mahaba at nasa 30 inches dahil kasama na ang listahan ng mga local candidate habang ang non-BARMM ay nasa 26 inches.

Kinumpirma rin ng Comelec na 1.7 milyon ang overseas voters na inaasahang boboto sa halalan sa susunod na taon.

Bukas, alas-10:00 ng umaga magsasagawa naman ng walk-thru ang Comelec sa national printing office sa Maynila para sa gagawing pag-iimprenta ng mga balota.

Facebook Comments