BALLOT RECOUNT | MPD, nagpakalat ng mga pulis sa paligid ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Ipinakalat ni MPD District Director Chief Superintendent Joel Coronel ang kanyang mga tauhan upang bantayan ang mga magsasagawa ng kilos protesta ng mga tagasuporta nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos kaugnay ng pagsisimula ngayong araw na ito ng manual recount sa election protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Paliwanag ni Coronel nais lang nitong matiyak na walang mangyayaring kaguluhan sa gagawin recount ng election protest ni Marcos.

Giit pa ng heneral, malaya naman ipahayag at magsagawa ng kilos protesta basta at tiyakin lamang na hindi sila makakasagabal sa daloy ng trapiko at maging maging mapayapa ang kanilang gagawing protesta.


Facebook Comments