BALLOT RECOUNT | Multi-sectoral mass, isasagawa ng kampo ni Vice President Leni Robredo

Manila, Philippines – Magtitipon ang mga tagasuporta at mismo si Vice President Leni Robredo sa isasagawang multi-sectoral mass ngayong araw.

Ito ay kasabay ng pagsisimula ng ballot recount para sa 2016 vice presidential race na gaganapin sa Supreme Court Gymnasium.

Nakatakda ang misa sa St. Scholastica’s Chapel sa Malate, Maynila ng alas-6:15 mamayang umaga bago mag-umpisa ang SC, na siyang presidential electoral tribunal sa inisyal na pagbibilang ng boto para sa electoral protest ni dating Senador Ferdinand Marcos.


Bukod kay Robredo, dadalo rin sa misa ang kanyang mga abogado na sina Atty. Romulo Macalintal at Atty. Bernadette Sardillo at mga Liberal Party senators.

Dederetso naman sa SC ang legal team ni Robredo para sa recount.

Kumpiyansa ang kampo ng Bise Presidente na magpapatunay lang ang ballot recount na walang basehan ang akusasyon ni Marcos na nagkaroon ng dayaan noong nakaraang eleksyon.

Facebook Comments