BALON DAGUPAN SWIM CLUB, NASUNGKIT ANG OVERALL CHAMPION SA GRAND PRIX SWIMMING COMPETITION

Nasungkit ng Team Balon Dagupan Swim Club ang pagiging overall champion sa katatapos lamang na swimming competition nito lamang nakaraang August 19 to 21 ngayong taong 2023 na ginanap sa New Clark City sa Capas, Tarlac. Labis na ikinatuwa ng buong Dagupeño at lokal na pamahalaan ng lungsod dahil nakasuporta sila sa lahat ng mga atletang Dagupeno.
Ayon sa final at official result sa nasabing kompetisyon, nakuha ng Dagupan Team ang 672 points dahilan ng kanilang pagiging overall champion, sinundan naman ng 1st runner up MSD Vikings Team Bulacan na may 549 points at 2nd runner up naman ang Modern Aquatic Swim Club na may 452 points.
Tunay nga na tayong mga Pangasinense ay mahilig sa iba’t ibang sports. Ang kahalagahan ng mga physical activities na ito ay para mas malakas ang iyong resistensya at nakakatulong din sa pag-iisip lalo na ang paglangoy dahil ito ay isang mahusay na therapeutic na pamamaraan upang mapabuti ang ilang mga problema sa kalusugan. Congratulations mga idol mula sa IFM DAGUPAN! |ifmnews

Facebook Comments